LUTONG PINOY!

Tayong mga pilipino ay likas ang hilig sa pagkain. Hitik ang Pilipinas sa mga putaheng natatangi lamang sa ating bansa. Bawat probinsya sa ating bansa ay may kanya-kanyang pinagmamalaking mga natatanging pagkain o putahe. Ang lutong pinoy ay kinahihiligan din maging ng mga dayuhan sa ating bansa. Ito ay marahil sa kakaibang lasa at sarap ng mga putaheng gawa ng mga pinoy.  Narito ang mga ilang mga putaheng matatagpuan sa mga hapagkainan ng mga pinoy na imposibleng tanggihan ng mga makakakita.

Image result for adobo

ADOBO

Ang adobo ay isang sikat na putahe na ipinagmamalaki ng Pilipinas.  Isa ito sa mga lutong pinoy na madaling lutuin.  Maraming lugar sa Pilipinas ang may mga sariling beryon sa pagluluto nito.  Ang adobing manok at adobong baboy ang kalimitang nakahain sa mga hapagkainan ng mga Pilipino. 

Image result for LECHON
LECHON

Ang lechon ay ang pambansang ng pilipinas.  Ito ay kadalasang nakahain kapag may okasyong ng binyag,  kasal,  kaarawan, pista sa ating bansa.  Ito ay masasabing all-time favorite na putahe ng mga pinoy.  Ang lechon ay matagal lutuin.  Ito ay tumatagal ng 4-5 oras na pagluluto depende sa laki o timbang ng baboy. Siguradong hindi makakakatiis na hindi kumain ang makakakita nito sa lamesa dahil sa sarap at amoy na dulot nito. 

Image result for kalderetang baboy
KALDARETANG BABOY

Isa din sa pinagmamalaking putahe ng Pilipinas ay ang kaldaretang Baboy. Ang nga sangkap nito ay pork ham or belly, carrots, patatas, tomato sauce, liver spread at iba pang mga gulay.  Isa sa sektreto ng pagluluto ng masarap na kaldareta ay ang paglalagay o paggamit ng karne na bagong katay. Ang liver spread ay maari ding ilagay dito upang mas sumarap ang putaheng ito.

Image result for kare kare
KARE-KARE

Ang kare-kare ang isa sa sa paboritong putahe ng mga pinoy.  Ito ay nilalagyan ng karne at iba’t-ibang mga gulay na siyang nagpapasustansya dito.  Kilala ang putaheng ito dahil sa taglay nitong malapot na peanut sauce. Masarap itong kainin kasama ang katambal nitong bagoong. 

Image result for dinuguan
DINUGANG BABOY

Isa sa masasarap na lutong pinoy ay dinuguan. May pangunahing sangkap ito na karne at dugo ng baboy. Madali lang itong lutuin.  Ito ay maaring kakaiba para sa mga hindi pa nakakatikim nito ngunit pag ito ay iyong natikman ay tiyak na magbabago ang impresyon mo sa putaheng ito dahil sa taglay nitong sarap. 

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started